Bakit kaya may mga taong hirap magadjust sa mga pagbabagong dala ng pagaasawa? Nakakainis mang isipin pero mas dumarami na ngayon ang naghihiwalay kesa nagsasama ng matagal ng dahil sa napakaraming dahilan.
Isa na rito ang mga barkada ni mister.
barkada na hindi marunong umunawa sa sitwasyon ng isang may pamilyang tao, hindi marunong rumispeto sa oras na dapat na inilalaan na sa pamilya.
Pwede din namang si misis na walang alam sa bahay, sa halip na sya ang mag-asikaso kay mister, siya pa ang inaasikaso nito. Nakakapagod sa part ng lalaki ang ganun, kahit gaano ka kamahal ng lalaki dadating at dadating ang punto na magsasawa sya at aantayin nya din na sya naman ang asikasuhin mo.
Mga possessive na asawa, na hindi rin naman marunong umintindi na paminsan minsan kailangan din lumabas ng isa para makasama din naman ang kanyang mga kaibigan. Tandaan natin na hindi natin pwedeng hilingin sa isa't isa na dapat satin lang umikot mundo nila, hindi lang ang asawa ang nakapagbibigay ng kasiyahan sa isang tao.
Meron din namang nagaaway ng dahil sa pera,tamad na mister pagod na misis, o di kaya'y masipag na mister at bulagsak na misis.
Basta ako isa lang ang panuntunan ko sa buhay may-asawa
ko, ang ayaw kong gawin sakin ng asawa ko hindi ko ginagawa at iniintidi ko sya sa mga bagay na gustong maunawaan nya din ako. Ang buhay mag-asawa ay give and take, wag natin paiiralin ang pagiging immature natin o kakitiran ng isip, kailangan nating maging open sa isa't isa. Di man natin masabi ng harapan pwede naman nating idaan sa sulat bago nyo pagusapan ng personal at sa mahinahong paraan.